I watched a documentary about the Blaan and was amazed by the new knowledge I gained. I'd like to share these with you.
by Melody A. Malagamba
December 10, 2021
1. The Blaan is NOT ONLY found in SOCCSKSARGEN.
I found out na ang mga Blaan ay hindi lang pala makikita dito sa SOCCSKSARGEN region. Mayroon din sa Davao region. Sa iba't ibang lugar man sila nakatira ay hindi naman nagkakalayo at masyadong nagkakaiba ang kanilang mga pananaw at paniniwala bilang isang grupo.
2. Yabing Masalon Dulo, the recipient of Gawad sa Manlilikha Ng Bayan, is from South Cotabato.
I found out na taga-Polomolok, South Cotabato pala ang naparangalan ng Gawad sa Manlilikha Ng Bayan na si Yabing Masalon Dulo. Nakakamangha dahil she is from South
Cotabato at bilang isang mamamayan ng South Cotabato, masasabi mo na malaking parangal ito para sa kanya at para na rin sa buong komunidad ng Blaan at pati na rin sa ating bayan.
3. Weaving is NOT easy.
Weaving is not easy to do. While I watched the documentary, nalaman ko na super hirap at hindi madali ang ginagawa nila na paghahabi. Dapat, you have perseverance and masipag ka. According to the 105 year-old na Manlilikha ng Bayan, the Ikat weaver Yabing Masalon Dulo, she is happy habang naghahabi dahil ginagawa nya ito mula sa puso.
4. The Blaan make their own clothes.
Ang matitingkad at magandang kasuotan ng mga Blaan ay gawa nila mismo. Imagine, minsan ilang buwan o taon bago matapos ang isang pares nito. Hindi pala ganoon kadaling gawin; kailangan talaga ng matinding tiyaga. Binibigyan nila ng halaga ang kanilang mga kasuotan dahil isa na rin ito sa paraan ng pagpapakilala nila na sila ay mula sa grupong Blaan.
5. They preserve their culture and traditions.
I found out na sila sila mismo ang nagtuturo sa kanilang community to preserve their tradition and culture. Tinitipon nila ang mga miyembro ng kanilang komunidad, mapa-bata man o matanda to witness kung paano ginawa ang mga tradisyon tulad na lang ng paghahabi. Napakagandang paraan ito upang ma-preserve pa rin nila ang kanilang kultura.
6. They use organic materials to dye the abaca fiber.
Nakakamangha malaman na sa mga organic sources pala tulad ng mga herbs and plants yung mga ginagamit nila upang magkaroon ng kulay ang fiber ng abaca. Ang abaca ang ginagamit nila sa paghahabi. Because of that knowledge about dyeing the abaca fiber, parang gusto ko na tuloy ma-experience how to make my own clothes using abaca fiber.
7. They use their pinky finger as a sign to reconnect.
Ako ay namangha because the Blaan use the pinky finger (hinliliit) as a meaningful way to reconnect. I witnessed in the documentary how well they treat you as a brother or sister. Kay sarap siguro sa feeling yung pupunta ka sa kanila tapos sa ganoong paraan ng pag-welcome, napapakita at napapadama sayo na ikaw ay tanggap. How I wish na sana may mag-invite sa akin to visit their community.
8. They have uniques beliefs and practices related to pregnancy.
Ngayon ko lang din nalaman mula sa kanilang practices and beliefs na ang paglalagay ng buto ng mama (betel nut) sa bewang habang nagbubuntis ang isang babae ay isang paraan kung lalaki ang naisin na maging anak. Hahatiin naman ang buto ng mama at ilalagay sa bewang ng isang babaeng buntis kung babae naman ang ninanais na anak. Parang gusto ko tuloy i-share sa mga kakilala kong gustong magka-anak. Wala naman sigurong mawawala kung paniniwalaan o susundin ito kahit hindi ka isang Blaan.
9. The Blaan have harvest rituals.
Lahat ng mga kultura ay mga pinaniniwalaan at ginagawang mga ritwal. Hindi rin nawawala ito sa Blaan tulad na lang ng kanilang mga ginagawa bilang grupo sa mga importanteng okasyon. Isa mga nakita ko sa dokyumentaryo ay mga kaugalian at aktibidades bago magtanim at sa pag-harvest.
10. There are polygamous marriage arrangements.
I found out na hindi lang pala yung mga kapatid nating Muslim ang puwedeng makapag-asawa ng marami as long as kaya nilang makapagbigay nang maayos na pamumuhay sa kanyang mga asawa. May ganitong mga arrangements din pala na recognized sa Blaan.
Writing blog articles about the Blaan that advocate right knowledge according to their practices, culture, and traits has been an eye-opener for me. I believe that our blog articles about Blaan can help to change the notion of people who discriminate and "other" cultures. Having an advocacy made me learn about "ethnocentrism," and how this outlook measures others based on what we are used to. Sana hindi tayo ganito. I believe that someday, magiging pantay-pantay ang pagtingin ng mga tao sa isa't-isa. #
Comments