by Iren Sina
December 3, 2021
The Blaan people are one of the indigenous peoples of Southern Mindanao in the Philippines. Indigenous peoples are distinct social and cultural groups that share collective ancestral ties to the lands and natural resources where they live, occupy or from which they have been displaced. There are millions of indigenous peoples worldwide.
Other terms used to refer to the Blaan are Bira-an, Baraan, Vilanes, and Bilanes. They have their own traditional dance and music, colorful tribal wear and weaving tradition similar to the Tboli.
I am Iren Sina, 29 years old from Barangay Kapatan, Glan, Sarangani Province. I have three kids and I am a second year college student at New Brighton School of the Philippines, Inc., taking up Bachelor of Science in Development Communication while also working in KCC Mall of Gensan. I feel tired sometimes but because of my dreams, I continue to strive and fight.
Also, I am proud to be a Blaan. Sa hometown ko in Kapatan, Glan Sarangani, karamihan sa amin ay mga Blaan. Halos kalahati yata ng population ng nakatira dito at sa pagkakaalam ko Blaan din ang may ari ng lupain.
Nakakalungkot na isa ang Blaan sa mga grupo na mababa ang tingin ng ibang tao dahil sa mga maling impormasyon. May mga naririnig akong mga nagsasabi na karamihan raw sa mga Blaan ay walang alam. Ngunit ang mga salitang ito ay galing lamang sa mga mapanghusga. Kung may pantay na oportunidad at pribilehiyo lang, nakakasabay rin naman ang mga Blaan.
Halimbawa, sa lugar namin ay napakarami na pong professional na mga Blaan. May guro, engineer, police at iba pa. Ang hanapbuhay ng mga tao doon ay mga pagsasaka sa bukid at malaki naman ang income ng mga magsasaka kaya nakakatuwa na marami na rin sa mga katutubong Blaan ang nakakapagtapos ng pag-aaral at nakakahanap ng magandang trabaho.
Ang mga Blaan ay masipag sa mga gawaing bukid. Isa sila sa mga dahilan ng pagkakaroon natin ng supply ng mga pagkain gaya ng bigas, gulay, at iba pa. Karamihan sa mga kakilala ko na naging successful ay dahil sa kasipagan.
Narito ang isang kwento ng magsasakang Blaan (mula sa Magsasaka TV sa Youtube):
Marami sa mga nakapagtapos ay nag-aral sa pamamagitan ng pagiging working student. Nagsusumikap ang mga Blaan na makapag-aral dahil na rin sa realization na ang edukasyon ang magbibigay sa kanila ng mga oportunidad. Marami sa mga Blaan ang nahihirapan lalo na kapag sila ay hindi marunong magsulat at magbasa. Sa tulong ng ating mga guro kahit gaano kalayo pa ang lugar, ay sinisikap pa rin nilang ipaabot ang kanilang mga kaalaman sa mga kabataan.
Mga gurong Blaan na nagsusumikap magturo sa kabataan sa aming lugar.
Para sa isang Blaan na kagaya ko, ang pagkakaroon ng kaalaman ay maituturing na isang hakbang patungo sa pangarap na nais nating matupad. Siguro marami sa amin ang nagsusumikap para mabigyan ang kanilang mga sarili at mga kapamilya ng magandang bukas. Sa tingin ko, ang mga kabataan sa amin ay nag-aaral dahil nakikinita na nila ang kanilang magiging kinabukasan. Nakikita nila ang mga nakakatandang hindi nabigyan ng pagkakataong mag-aral at ang mga nakapagtapos. Siguro ay marami na rin ang may gusto sa kalidad ng buhay ng mga may diploma at may trabaho.
Ang "success" na base sa lipunan ngayon ay iyong mga may edukasyon at trabaho. Hindi naman din natin maipagkakait sa mga Blaan na gustuhin din iyon. Akalain mo? Marami na ang nagiging successful ngayon mula sa lugar namin, ano pa kaya kung mas marami pa ang mabigyan ng "chance."
Katribu. Kababayan. Sila ang mga kasama kong Blaan na nagsusumikap.
Napansin ko rin sa aming lugar na ang mga bata ay mabilis mag-"mature." Sa murang gulang, marami na ang marunong makipag-usap nang maayos sa ibang tao. Hindi na masyadong mahiyain at madaling makihalubilo sa mga tao: Blaan man o hindi.
Ang kabataan mula sa aming lugar - mga masayahin at masisipag.
Lumalawak na ang mundo nila--namin. Sumasabay na rin sa globalisasyon. Hatid na rin siguro ito ng edukasyon at paglawak ng aming kaisipan.
Marami mang napagdaang pangungutya ang mga Blaan, naniniwala ako na hindi naman ito sumira sa aming dignidad. May ipinagmamalaki din naman kaming mga katangian. Mabilis kami matuto sa maraming bagay. Halimbawa: sa language. Maliban sa Blaan, kami ay nakakaintindi o nakakapagsalita rin ng maraming lengwahe sa rehiyon.
Ang Blaan "success" story ko ay ako at aking pamilya.
Anim kami na magkakapatid na nakapag-aral sa panahong ito. Masasabi ko na isa na po itong success na nagyayari sa buhay namin. Ang pag-aaral ng kolehiyo ay hindi po talaga madali lalong lalo na marami pong mga tao na hindi naniniwala sa kakayahan naming mga Blaan!
Malaki po ang paniniwala ko sa aking mga katribu dahil kahit anong hirap, kinakaya dahil sa pangarap.
BAGBONG SALAMA'T na ang ibig sabihin ay MARAMING SALAMAT! #
Comments