top of page
Search
devcomnbspi

10 Beautiful Blaan Words and Their Meaning

Updated: Dec 5, 2021


by Mahal Malngan

December 2, 2021 In this article, I would like to share to you some Blaan words. The Blaan language is beautiful. If you would like to learn it, you can practice by starting with these words.


Gusto ko kayong turuan ng mga salita sa Blaan at magbibigay din ako ng examples kung paano at kailan ito ginagamit.


Una:

FYE FLAFUS in English "Good morning." Tuwing may makakasalubong ang Blaan sa umaga, babatiin nila ito ng FYE FLAFUS. Nakapaganda talaga kung may naririnig tayo na bati tuwing umaga, diba? Ang mga Blaan ay masayahin at nakaugalian nila ang pagbati tuwing may nasasalubong na kapwa Blaan o kahit sino man sa umaga.


Pangalawa:

FYE ALTURO in English "Good noon." Ito ay ginagamit ng Blaan na pagbati tuwing tanghali. Halimbawa: May kapitbahay na dadaan sa tanghali. Batiin nila nito ng "FYE ALTURO," bilang imbitasyon na mananghalian. Hindi mawawala sa Blaan ang ugaling mapagbigay sa kapwa kahit kakaunti ang pagkain, sisikapin pa rin nila itong imbitahin para sabay na kakain.


Pangatlo:

FYE FLABI in English "Good afternoon." Ito naman ang ginagamit ng Blaan sa pagbati tuwing hapon. Halimbawa, sa tuwing magkikita-kita sila ang mga magkamag-anak sa isang bahay, sasabihin nila sa isa't-isa, FYE FLABI DE. Madalas kasi na ang mga Blaan ay magtitipon-tipon sa isang lugar tuwing hapon. Sa mga panahong ito sila pumupunta sa bahay ng mga kamag-anak. Doon sila madalas magtipon at nakahiligan na rin ang pagkakape at mag-uusap ng mga bagay-bagay.


Pang-apat:

FYE KIFU in English "Good evening." Ito ay ginagamit na bati tuwing gabi. Sa tuwing may masalubong ang mga Blaan sa daan, pag nakalubog na ang araw, babatiin nila ito ng FYE KIFU. Isa pala sa mga ugali ng Blaan na nakagisnan ko ay ang pagiging maaalahanin. Kung malaman nila na ginabi ka at malayo pa ang uuwian mo ay kukupkupin ka nila at patutuluyin sa kanilang bahay para doon ka matulog. Kinabukasan ka na nila ipagpapatuloy sa iyong pupuntahan o uuwian. Likas sa Blaan ang pagiging mapagmahal sa kapwa.


Panlima:

MINGAT in English "Take care." Ito ang isang salita na ginagamit ng Blaan tuwing sila ay nagpapadama ng kanilang damdamin sa kanilang kasintahan, kaibigan, o kapamilya. Halimbawa, tuwing may aalis ay sasabihin nila na MINGAT. Ibig sabihin nito, gusto nilang mag-iingat ang sinasabihan sa kanyang paglalakbay sa kung saan mang lugar siya pupunta. Isa ito sa mga patunay ng kanilang pag-aalala sa mga taong kanilang minamahal.


The Blaan language is beautiful. I hope you can take time to learn it.

Pang-anim:

KUMUSTA? in English "How are you?" Ito ay ginagamit ng Blaan tuwing sila ay nagtatanong sa kanilang mahal sa buhay kung ano na ang kanilang kalagayan sa buhay-- kung nasa maayos ba o hindi. Nais nilang malaman kung nasa maayos ang kalagayan ng kanilang kausap. Ginagamit nila ang salitang ito tuwing sila ay may nais iparating na pag-aalala.


Pampito:

AFYE in English "Fine." Ito ay ginagamit na salita ng Blaan bilang sagot sa tanong sa "Kumusta?" kung nasa maayos na kalagayan naman ang tinatanong. sa tuwing ako ay tinatanong ng mga kaibigan ko kung maayos lang ba ang kalagayan ko, ang sagot ko ay AFYE, ibig sabihin, "Okay lang." o maayos naman ang lagay ko.


Pangwalo:

DET? In English "What?" Ito ang salita na ginagamit ng Blaan kapag nagtatanong sa kapwa niya Blaan. Sa Filipino, ang katumbas nito ay, "Ano?" Ginagamit ito para malaman ang nais o kung hindi masyadong naintindihan ang mga salitang nasabi. Mabuti ang pagtatanong para maipahiwatig talaga ang mga ibig sabihin.


Ika-siyam:

YE in English "My" Ito ay ginagamit ng mga Blaan na pangunahing salita kapag sila ay nagpapakilala ng kanilang sarili, lugar, at mga nais niyang maipaliwanag sa kapwa. Halimbawa: "Ye da get gu Mahal," ibig sabihin ay "Ang aking pangalan ay Mahal." Ginagamit ang YE upang ang mga Blaan ay magkakakilala kung sino at taga saan sila. Sa mga pagkakataong ito gagamitin bilang paunang salita ang YE.


Pang-sampu:

BONG SALAMAT in English "Thank you very much." Ito ang ginagamit ng Blaan tuwing may natatangap sila sa kanilang kapwa na kahit ano mang bagay. Ginagamit ito para magpahiwatig ng pasasalamat at mapasaya din nila ang taong nagbigay.


Bong salamat sa pagbabasa at sana may natutunan kayong mga salitang Blaan.


If you would like to hear how these words are pronounced, listen to the audio file:



28 views0 comments

コメント


bottom of page