Their answers are indicative of people's current attitudes about this ethnolinguistic group. Read on!
by Jerlin M. Macinto
January 12, 2022
The Blaan people are one of the indigenous peoples of Southern Mindanao in the Philippines. Other terms used to refer to this group are Blaan, Bira-an, Baraan, Vilanes, and Bilanes. I asked my Blaan friends regarding their lived experiences belonging to the group and I got interesting answers.
Loige Sewa Onda
Siya'y isang mag-aaral sa New Brighton School of the Philippines Inc. at kasalukuyang kumuha ng kursong Bachelor of Science in Development Communication. Isa rin siyang miyembro ng SOCCSKSARGEN Debate Union. Presidente siya ng isang organisasyon na sumusulong sa kulturang Blaan: Blaan Kasfule Kalyak Sinawal. Narito ang kanyang pahayag kung ano agad ang naiisip niya pag nakarinig ng “Blaan:”
“When I hear the word BLAAN, the first thing that comes to my mind is ‘Amgangeh.’ Why Amgangeh? Because this word reminds me of the story of my community's elders. They say, in General Santos City, a long time ago in 1930s, the Blaan people first settled in the area. This word is how they called the place. It’s a Blaan term that refers to a tree that was abundant in the land. What brought me to this idea or response is the memory of our elders. They said, "We were happy in our living but when war came we need to hide and we thought of hiding at far-flung areas and there we hid, indeed." It brought me to thinking that the abundance we have in our current land is also informed by events that happened in the past.”
Jorham Masalon
Siya'y nag-aaral sa Stratford International School dito sa General Santos City sa kursong Bachelor of Science in Social Work. Isa siyang Blaan. Ito ang kanyang pahayag:
“Para sa akin, kung marinig ko ang salitang Blaan naiisip ko talaga na minamaliit ito ng ibang tao dahilan sa wla itong pinag-aralan, mahirap, at kung anu-ano pang mga panlalait ang kanilang pinagsasabi pero hindi nla alam na ang mga Blaan ay hindi pwedeng maliitin ninuman. Sa ngayon nakikita natin na maraming Blaan ang nag pursiging makapagtapos ng pag-aaral. Naipapakita nito sa mga taong mapanghusga na may mga maling perceptions sila.
Mahal Torres Malngan
Siya'y kasalukuyang nag-aaral sa New Brighton School of the Philippines Inc. dito sa General Santos City at may kursong Bachelor of Science in Development Communication. At narito ang kanyang pahayag:
“Sa topic ng mga Blaan, aware naman ako na gina-discriminate kami, tulad sa pananamit namin or the way kami magsalita pero mabuti pa rin naman ang pakikipagkapwa ko sa mga tao kahit minsan ay offended ako sa mga sinasabi nila. Kulang lang naman tayo sa information at awareness.”
Jesser Lino
Siya'y kasalukuyang nag-aaral sa Ramon Magsaysay Memorial College sa kursong Bachelor of Elementary Education. Siya rin ay Sskretarya sa isang organization ng Blaan na Dad Lamnok de Amgangeh (Gensan Youth IPs). Ito ang kanyang pahayag:
“The Blaan is one of the tribes existing in the city of General Santos. They are indigenous peoples who are striving to show their identity. Some people still continue discriminate them because their perspective about the blaan still includes stereotypes like: Blaan wear no shoes or slippers while walking in the streets; they lack education etc. Stereotypes are the main reason why so many people are still talking negatively towards indigenous peoples. This should not be tolerated. All of us are human. There’s not much difference between groups of people. As far as I know, the Blaan has also established the IPRA LAW. Through this, indigenous peoples are helped by the law to claim for their rights and seek justice.
The Blaan has a huge contribution in this city. It’s time we recognize this.
Sila ang mga kaibigan kong Blaan na nagbigay ng kanilang mga kwento sa pagiging Blaan. Tinanong ko rin naman ang isa ko pang kaibigan na hindi Blaan at ito ang kanyang mga nasabi:
Darwin A. Serenio
Siya'y isang mag-aaral sa South East Asia Institute of Technology, kumukuha sa kursong Bachelor of Science in Agriculure. Siya ay Junior support staff sa Boy Scout of the Philippines General Santos City. Ito ang kanyang pahayag:
“Honestly, when I was a kid I am that kind of person na pag maka dungog ug " BILAAN" kay mao mana tawag jud namo sa ilaha sa una before mi na-enlighten na Blaan diay na siya. So ani na siya if maka dungog kog word nga na dati, akong interpretation kay daghan kaayo na negative associations. Naka-ingon pa ako dati na Di jud ko manguyab ug Blaan bahalag mag kinaunsa.
Then kung naga-mature ang tao naga iba man ilahang mindset. For example ako, when I was bata pa, ma-palanggaon daw kaayo ang stepfather ni mama na usa ka pure-blooded Blaan. Gi-explain sa akoa kung unsa ang mga kina-iyahan sa mga Blaan didtua sa lugar nila. Mama nako is taga Upper Labay sa “Alamatak."
Opposite sa akong mga lain na nabatian sa Blaan ang gi-ingon ni mama. Maayo kaayo ang mga Blaan. Prejudice ra gyud sa akong environment ang akong mga nadungog. Mama nako fluent kaayo mag-Blaan kay wala na niya nasilayan iyahang papa pero iyahang stepfather nag barog isip niya na papa. So sa story ni mama, na-enlighten ko. I was blinded by the environment na grabe ang mga panirang-puri sa atoang Blaan brothers and sisters. Then mas na-enlighten pa ako after noong nagkaroon ako ng mga classmates and friends na Blaan and na-witness nako ilahang mga pamumuhay and I was amazed na ing ani diay ni sila. So ato, sukad ato nag iba na pananaw nako sa mga kapatid nato na Blaan. Na-bully sila because sa mga false witnesses. Naga comment ta sa sa ilang kultura without awareness. We should know them better para maliwanagan tayo.
Samakatuwid, mayroon ngang mga pagkakataon na nakakaranas ng diskriminasyon ang mga Blaan. Kadalasan, ito ay dahil sa “ethnocentric” na pananaw ng mga tao.
Iba sa nakasanayan nila ang nakikita nila sa mga Blaan, tulad ng: maagang pag-aasawa, hindi pagsusuot ng sapatos atbp kaya kadalasan, sinasabihan nilang ang mga Blaan ay hindi makasabay sa uso o tinatawag ito ng karamihan sa salitang “manol.” Ngunit hindi naman produktibo ang ethnocentrism. Isa mga kwentong nakalap ko na nagbibigay sa akin ng paghanga sa katatagan ng loob ng Blaan ay ang kwento si Marlito.
Si Marlito Soriano ay isang Blaan na nanggaling sa mahirap na pamilya. Siya'y panganay sa anim na magkakapatid. Ang kanyang ina ay nasa bahay lamang upang mag-alaga sa kanila samantalang ang kaniyang ama ay isang tricyle driver. Mahirap para sa kanila ang buhay sapagkat hindi sapat ang pang-tustos sa pang araw-araw na pangangailangan nilang mag-anak. Siya ay nabigyan ng pagkakataong mag aral sa U.S. Kumuha siya ng pagsusulit at pumasa. Siya'y nagtapos bilang Valedictorian sa New Society National High School, General Santos City. Sa kanyang pagsisikap, nabigyan siya ng pagkakataon na makapag-aral sa Northeastern University in Boston.
Nailathala ang kanyang kwento sa Inquirer:
Bawat grupo ay may sariling katangian at kagandahan katulad ng mga Blaan. Marami silang mga kulturang pinapahalagahan sapagkat ito'y yaman para sa kanila. Ngunit nakakalungkot lamang na isipin na sila'y nakakaranas ng diskriminasyon dahil sa mga taong hindi nakikita ang kahalagahan nila bilang tao.
Iniaalay ko ang isang "spoken word performance" na ito para sa mga Blaan:
Clips are taken from Magsasaka TV
Ang Blaan para sa akin ay isang mapagmahal at mabuting grupo. Kaya ko nasabi ito dahil naranasan ko kung paano nila alagaan ang mga taong pumupunta sa lugar nila, kung paano nila binabahagi kung anong meron sila. Kaya nararapat lamang na itigil ang diskriminasyon sa kanila dahil maari itong magbigay kalungkutan sa kanila at pagsuko sa kanilang pangarap.
Marami na ang mga nilulunsad na mga programa para sa kanila upang magbukas ito ng maraming oportunidad. Marami na din ngayon ang Blaan na nakakapagtapos ng pag-aaral at humihikayat sa kapwa Blaan na magtapos din ng pag-aaral.
Mali na ipinapaiiral natin ang tinatawag na “othering.” Dapat matuto tayong tanggapin sila at pakisamahan. Narito tayo sa mundo na kung saan iba-iba ang ating kinagisnan at pinanggalingan kaya ang nararapat ipa-iral natin ang pagkakaintindihan at respeto sa bawat isa kahit.
Kung ano ka pa man o kung saang galing ka man na grupo, karapatan natin na igalang kung anong meron tayo. Dapat ay wala ni isa sa atin ang dapat makaranas ng diskriminasyon. #
Comments